My Best friend !
A friend is someone who you know well and like, but who is not related to you. Who loves you even your such a carefree person, even your not good at anything. Someone who if they have something to say would say it TO you not behind your back. A friend is someone that you can call at 3AM because you are upset and they don't get mad because you woke them up. A true friend ignores your faults, and when you are feeling down a true friend will spend the day with you. Someone who will love you even if you screw up, over and over again, and you would do the same for them. It's all about the heart, who cares about the rest. Time apart would not change that, a real friend is a real friend, for keeps, period. My friends know I always have their back. A friend is one who sticks by you in thick & thin. Does not care if you are rich or poor. Is loyal not a gossiper . Will listen and not judge, but instead offer advice. Is generous in Spirit & Self and Loves you just the way you are!
---I made a story about the meaning of a true friends. I'ts a short story,but long and it has a lesson too. Hope you'll enjoy reading !
A promise !
By: Arianne Marie Mallari
Noong Panahon ng kapayapaan ay mayroong nagkakilalang dalawang babae na nagngangalang Rose at Anne dahil sa isang trahedyang naganap sa kanilang buhay. Sa kanilang nayon ay may namumuno na naniningil ng sobrang buwis sa bawat mamamayan. Dahil sa kahirapan ay hindi nakabayad ng sapat na buwis ang maraming pamilya kabilang na ang pamilya ni Rose at Anne. May batas na kailangan sundin sa pagbabayad ng tamang buwis, isa na rito ang pagbabayad sa tamang oras/panahon. Kapag hindi nakabayad sa tamang oras ay may kaparusahan na kamatayan. Dahil sa ganitong batas ay maraming pamilya ang namamatay. Kabilang na ang mga magulang nila Rose at Anne na namatay noong musmos na bata palang sila. Sa kaganapang ito sila ay natutong maging matapang, matatag, at ang pinakamahalaga ay may takot sa Diyos.
Nagkita ang dalawa sa isang iskinita sa loob ng kanilang nayon.
Rose: Sino ka? (habang siya ay lumuluha dahil sa nangyari)
Anne: Ako nga pala si Anne,eh ikaw? (natatakot ang pagsagot)
Rose: ahh..ako si Rose.. Bakit parang natatakot ka?
Anne: (umiiyak) Kasi may pumatay sa mga magulang ko, hinahabol nila ako.
Bakit ka umiiyak?
Rose: Pareho tayo,pinatay nila ang mga magulang ko.(may kaunting pagluha)
Anne: Pwede ba tayong maging magkaibigan?
Rose: Oo naman.
(Nangako ang dalawa sa isa’t isa)
Rose & Anne: Ako ay nangangako na magiging magkaibigan tayo hanggang sa kamatayan.
(masaya ang dalawa dahil kahit wala man silang mga magulang ay mayroon naman silang kapatid,at silang dalawa iyon.)
Habang masayang naguusap ang dalawa ay biglang dumating ang isa sa mga kamag-anak ni Anne. Siya ay sinusundo ng kaniyang Tito at Tita, at duon na siya titira. Tinanong niya sa Tito at Tita,
Anne: Tito, pwede po ba nating isama ang aking kaibigan sa bahay ay duon din siya manunuluyan?
Tita pwede po ba yun?
Tito: Anne pasensya na, hindi maaari ang gusto mo dahil maliit lang ang bahay, hindi tayo magkakasiya duon.
Tita: At Anne, hindi kami mayaman,sino magpapakain sa kaniya. Walang trabaho ang tito mo.
Anne: (sad) Ganun po ba tito at tita. Sandali lang po at magpapaalam ako sa kanya.
( lumapit si Anne kay Rose)
Anne: Rose tanggapin mo ito(isang kapares ng hikaw ni Anne).
Rose: Bakit? Salamat.
At para hindi mo ako makalimutan. Lagi mo akong maaalala kapag suot mo yan.
Rose: Lagi naman tayong magkasama diba?
Anne: Pasensya na Rose,pero sinusundo ako ng aking tito at tita. Duon na ako sa kanila titira.
Rose: Pero nagsumpaan tayo?(umiiyak)
Anne: (umiiyak) Oo,pero nangangako ako na hahanapin kita pagdating ng panahon.
Rose: Pangako yan ah? Basta ako din hahanapin kita,ang mga hikaw na ito ang katibayan na ikaw at ako ay Magkaibigan.
(Anne halika na dito at aalis na tayo,ang tawag ng kaniya ng tito at tita.)
-nagyakapan na ang dalawa-
Anne: Magiingat ka palagi ah. (sabay halik sa pisngi).
Rose: Oo,ikaw din palaging magiingat. Pangako magkikita pa tayong muli (kumakaway).
-kumaway din si Anne habang umaandar na ang kanilang sinasakyan-
*Makalipas ang 5 taon ay 13 taong gulang na si Rose at Anne, sila ay mga teenager na. Bawat isa sa kanila ay may sarili ng pagiisip. Si Anne ay nagkaroon ng maraming kaibigan sa pagpunta sa Maynila kung saan dun sila nakatira ngayon. Ganun din naman si Rose na maraming kaibigan ngunit wala ni isa sa mga kaibigan niya ang nakakaalam ng tungkol sa kanyang pagkatao, tanging si Anne lamang. Hindi kaibigan ang meron sila, marami na rin ang mga nanliligaw sa kanila dahil hindi natin maipagkakaila na parehong maganda ang dalawang dalaga.
Ngayon ay Mayo at sa darating na Hunyo ay paukan na naman. Si Anne ay papasok sa pampublikong paaralan lamang dahil hindi naman sila mayaman. Sa kabilang banda ay may bago siyang magiging kaibigan duon at mga manliligaw. Si Rose naman ay magaaral din sa parehong paaralan ni Anne, sa hindi inaasahang pagkakataon ay magkamagaral dalawa.
(Isang buwan na ang nakalilipas)
-pasukan na!-
Si Anne ay nagaayos na para sa pagpasok sa paaralan. Habang si Rose naman ay naghahanda palang ng kaniyang agahan ,at ito ay kape at andesal. Pagkatapos nilang maghanda ay sumakay na si Anne ng sasakyan para sa pagpasok habang si Rose naman ay nagsimula na ring maglakad.
-oras na!-
Ang dalawang dalaga ay nakapasok ng paaralan sa tamang oras. Nagsidating na rin ang kanilang mga guro. Si Anne at Rose ay parehong napunta sa seksiyon na para sa mga matatalino. Pumasok na ng room ang kanilang guro.
Guro: Good morning class! Im Mrs. Analita Rivera. Im your Advicer.
Now, class introduce yourself one by one.
-introducing- (nauna ang pagpapakilala kay Anne)
Anne: hello classmate! Im Anne Salvador from Makati City and Im 13 years old. My favorite number is 20 and color is blue. That’s all.Thank you.
(Nang marinig ito ni Rose ay bigla siyang napaisip na hindi kaya si Anne Salvador ang kaibigan niyang si Anne noong 5 years before)
Sophia: hi! Im Sophia Miranda from Baguio City, Im 12 years old. Nice to meet you.
Allinah: My name is Allinah Reyes from Quezon City and Im 13 years old.
Jasmine: hello! Im Jasmine San Jose from Nueva Ecija and Im 12 years old.
(ang huling nagpakilala ay si Rose dahil siya ang nasa pinaka likod na bahagi ng room.)
Rose: My name is Rose De Guzman from Antique and Im 13 years old.
(Pagkatapos magpakilala ni Rose ay napalingon sa likuran si Anne at naisip na si Rose De Guzman ang kaibigan niya nuon.)
-pagkatapos magpakilala-
Tahimik ang loob ng room dahil wala pa ang magkakakilala. Si Jasmine,Allinah at Sophia lang ang magkakakilala. Nilapitan ng tatlo si Anne at dito nagsimula ang paggawa nila ng grupo na kilala sa katawagang *BFFTD* na nangangahulugang BestFriendsForeverTillDeath. Nagkukuwentuhan ang apat ng mapalingon si Anne sa likuran at nakita niya si Rose,at kahawig siya ng Rose na kakilala niya. Nilapitan niya ito.
Anne: hi.Kamusta ka?
Rose: Mabuti naman.ikaw?
(Magaan ang pakiramdam ng dalawa sa isat isa kaya’t agad silang naging magkaibigan)
Hanggang isang araw ay nagkaroon ng sharing ang buong klase tungkol sa lahat ng kahinaan,problema at mga sekreto. At nagsimula ito kay Anne. Nagkwento siya tungkol sa mga kaganapan sa kanyang buhay at nang nagkwento na siya tungkol sa kaibigan na kaniyang pinangakuan na magkikita ulit sila. Habang nagkukwento si Anne tungkol dito ay biglang napaluha si Rose dahil ang kaniyang kaibigan na matagl nang hinahanap ay natagpuan na niya.Ganun din naman si Anne na lumuluha sa harap ng kaniyang mga kaklase,at mapatingin siya sa likuran ay napansin niya si Rose na sadyang lumuluha na animoy siya ang binabanggit ni Anne na kaibigan nito, ang hindi alam ni Anne ay siya nga iyon. Nang matapos magkwento si Anne ay bumalik na siya sa kaniyang pwesto at nagsitahimik ang lahat dahil nadala sila ng kwento nito. Ang sumunod na studyante ay nakakalungkot din ngunit hindi ito katulad ng kwento ni Anne na musmos palang siya ay wala na siyang magulang.(Silang dalawa lang ni Rose ang walang mga magulang sa room).
Ayan! Si Rose na ang magkukwento ng kaniyang buhay. Simula palang ng kaniyang kwento ay kapareho na ng storya ni Anne. At nang marinig ito ni Anne ay napaluha ito. Nang malapit nang matapos ang kwento ni Rose sa buong klase ay bigla siyang tumigil at lumapit kay Anne,nagyakapan ang dalawa habang pareho silang umiiyak. Ang lahat ay nanuod lang sa kanila,natahimik at napaluha rin dahil sa sobrang saya at lungkot na nadarama.
-Nang matapos na ang pagkukwento ay nagusap ang dalawang magkaibigan.-
Anne: Rose, ikaw ba talga yan?(sabay yakap sa kaibigan)
Rose: Oo naman. Ang tagal na nating hindi nagkikita. Miss na miss na kita. Ang akala ko nga hindi kitya makikita eh,ang laki kasi ng mundo.
Anne: Kya nga nagpapasalamat ako sa Panginoon at nakita tayo.
Siya nga pala sali ka sa grupo namin ang *bfftd*.
Rose: Cgeh ba.
Anne: Sophia,Allinah at Jasmine, ang bago nating kagrupo si Rose.
Sophia,Allinah,Jasmine:Hello Rose. Welcome to our group.
Rose: Thanks a lot.
Naging magkakaibigan ang limang dalaga at lahat sila ay nagkakaintindihan dahil may tiwala sila sa isa’t isa. Simula nung araw na iyon ay naging masaya na ang buhay ni Rose at Anne nang magkita at magkasama sila. Simula din ng araw na iyon ay kinalimutan na nila ang mga masasamang nangyari sa kanila noong bata palamang sila,ngunit hindi nila makakalimutan ang kanilang pangako sa isa’t isa na magiging magkaibigan habang buhay kahit anu mang pagsubok ang kanilang kaharapin. Ang limang magbabarkada o BFFTD ay nagsumpaan din na magiging magkakaibigan habang buhay, katulad na rin ng kahulugan ng pangalan ng kanilang grupo. Ang lahat ay naging masaya at walang pinoproblema.
-makalipas ang 7 taon-
Kolehiyo na ang magkakaibigan. Ang bawat isa ay may kaniya kanya ng trabaho. Kahit na iba iba ang kanilang paaralan at kurso ay nagkikita parin silang lima upang magkwentuhan tungkol sa mga nangyayari sa kanila sa araw araw. Si Anne at Rose ay Isang HRM, si Sophia naman ay isang Nurse, si Allinah ay isang Accountancy habang si Jasmine naman ay isang Computer Engineer. Mahihirap man ang kanilang mga kurso ay hindi sila nawawalan ng pag-asa para malampasan ito,dahil bawat isa sa kanila ay inspirasyon ang isa’t isa.Makalipas ang apat na taon ay nakapagtapos na sila. Ang bawat isa ay masaya at hanggang sa pagaasawa ay magkakasama parin sila.
-makalipas ang 8 taon-
Ang magkakaibigan ay may sapat ng pera para sa mga sarili dahil sa pagtatrabaho nila ng mabuti. Sila ay nagpakahirap para lang makamit ang kinatatayuan nila ngaun. Hanggang isang araw ay nagkita kita ang magkakaibigan para magkumustahan at kwentuhan.
Jasmine: Ui. Alam niyo ba may fiance’ na ako.
Allinah: Ako din. Enggage na nga kami eh. Pinaplano na ang kasal namin.
Rose: Yung fiance’ ko naman nagmamadaling magpakasal na kami.
Anne: Ako din gusto ng magpakasal ng fiance’ ko.
Sophia: BFFTD nga tayo,hanggang sa pagaasawa pare pareho tayo.
Anne: Sige na. Aalis na ako baka hinahanap na ako sa bahay. Ingat kayo.
Rose/Jasmine/Allinah at Sophia: Cgeh ako din.
Anne: Wow! Sabay sabay. Haha
(nagsitawanan ang lima)
(pagkatapos nilang magtawanan ay nagyakapan sila ng mahigpit na tila bang ayaw na nilang magbitiw)
Nakakatuwa ngang isipin na mayroong magkakaibigan na hanggang sa pagtanda ay may ugnayan parin. Dito nalalaman ang tunay na pagkakaibigan. Ang araw na iyon ang pinakamasayang araw na nangyari sa magkakaibigan. Pagkalipas ng 2 linggo ay nagkausap usap ang magkakaibigan sa telepono.
Anne: Rose, Sophia,Allinah at Jasmine...alam niyo ba sa 25 next month na ako ikakasal.(sobrang saya)
Rose/Sophia/Allinah/Jasmine: Sige sige.
Rose: Ako din ganung araw.
Allinah: Alam ko na. Lahat nalang tayo sabay sabay magpakasal.
(sumang-ayon naman ang apat)
-ika 25 ng Setyembre-
Naghahanda na ang magkakaibigan sa kanilang kasal. Ang bawat isa ay excited at nagaayos na ng kanilang isusuot. Ang lugar,pagkain,bisita at iba pang kailangan sa kanilang kasal ay inihahanda na.Makalipas ang 3 minuto.Magsisimula na ang kasal. Hinihintay na ng mga tao lalong lalo na ang kanilang mga husband to be ang mga bride. Pagkaraan ng 1 minuto ay dumating na ang magkakaibigan. Ang kanilang ayos ay napakanda na animo’y naglalaway ang mga bista at kanilang magiging asawa kasama na ang pari. Ang lahat ay nabighani. Simula na ang kasal.Makalipas ang 7 oras ay natapos na ang kasal. Pagkatapos ng kasal ay nagpunta na ang lima kasama ang kanilang mga asawa sa kani kanilang honeymoon.Ang bawat isa ay masaya. At nabuhay sila ng napakasaya at sama sama. Katulad sa isang fairy tale, “they live happily ever after”.
*totoo nga ang bestfriendforever. Kaya dapat nating pahalagahan ang ating mga kaibigan. Sila lang ang nakakaalam ng ating kahinaan. At sila rin ang ating worst enemy. Pahalagahan sila dahil mawala man ang kapangyarihan at kayamanan ay hindi naman mawawala ang tunay nating mga kaibigan.At naniniwala rin ako na promises are not made to be broken,nasa sa atin lang ang pagiging broken nito kung hindi natin kayang panindigan ang ating mga pangako. Kaya’t kung hindi mo kayang tuparin ang pangakong binibitawan ay wag ka nalang mangako. That’s the meaning of true friendship. *
--- Thanks for Reading! Hope you'll not bored.